Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talumpati ng pangulong Tsino sa CICA, mainit na tinatanggap

(GMT+08:00) 2019-06-17 11:21:57       CRI

Sa katatapos na Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) sa Dushanbe, Tajikistan, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa paninindigan ng bansa sa pagpapasulong ng pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan ng Asya. Iniharap din ng pangulong Tsino ang mga mungkahi para mapalalim ang pag-uunawaan, mapalakas ang pagtitiwalaan, mapahigpit ang pagtutulungan, at maisakatuparan ang komong kaunlaran ng mga bansang Asyano.

Sinabi ni Do Tien Sam, dating Direktor ng Instituto ng Pananaliksik na Tsino ng Vietnamese Academy of Social Sciences, na napakinggan sa talumpati ni Xi ang proposal hinggil sa pagtatatag ng komunidad ng Asya na may pinagbabahaginang kinabukasan. Ang nasabing proposal ay hindi lamang angkop sa Asya, makakabuti rin ito sa sariling interes ng iba't ibang bansa, dagdag pa ni Do. Saad din niya, binigyang-diin ni Xi na ang Tsina ay patuloy na magsisilbing tagapagtatag ng kapayapaang pandaigdig, tagapag-ambag ng kaunlarang pandaigdig, at tagapangalaga ng kaayusang pandaigdig. Aniya, muli nitong ipinakita ang pagiging responsable ng Tsina bilang bansang Asyano at miyembro ng komunidad ng daigdig, at hangaring mag-ambag pa sa kapayapaan at kasaganaan ng daigdig.

Ipinahayag naman ni Jaewoo Choo, Propesor ng Kyung Hee University na ang pananangan ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad ay nagdudulot ng ambag sa kasaganaan ng rehiyon at daigdig. Umaasa aniya siyang patuloy na gaganap ang Tsina ng papel sa pagpapasulong ng katatagan, kaunlaran at pagtutulungan ng Asya.

Salin: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>