Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkabangga ng mga bapor pangisda ng Tsina at Pilipinas, di-inaasahang aksidente--tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2019-06-17 19:33:28       CRI
Ipinahayag ngayong araw, Lunes, ika-17 ng Hunyo 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagkabangga ng isang bapor pangisda ng Tsina at ilang bapor pangisda ng Pilipinas sa Liyue Tan ng Nansha Islands ay di-inaasahang aksidente. Aniya, hindi angkop ang pagsasapulitika ng isyung ito, o pag-uugnay nito sa relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Lu ang pakikiramay ng panig Tsino sa mga mangingisdang Pilipinong apektado ng naturang aksidente. Aniya pa, batay sa lubos na responsableng atityud, komprehensibo at buong taimtim na ini-iimbestigahan ng panig Tsino ang aksidenteng ito, at palalakasin ang pakikipagkontak sa panig Pilipino hinggil sa mga imporasyon ng imbestigasyon. Nananalig aniya siyang, batay sa katotohanan, maayos na hahawakan ng kapwa panig ang isyung ito, sa pamamagitan ng diwa ng pagtutulungan at pagkakaibigan.

Naganap noong ika-10 ng buwang ito ang nabanggit na pagkabangga. Ipinahayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, na dapat patingkarin ang papel ng mga diplomatikong tsanel sa isyung ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>