Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaibigang Sino-Syrian, hindi nagbabago — Wang Yi

(GMT+08:00) 2019-06-18 15:27:05       CRI

Martes, Hunyo 18, 2019, sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kay Walid Muallem, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Syria, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, bagama't nagiging magulo ang situwasyon ng Syria, hindi nagbabago ang pangkalahatang direksyon ng pagkakaibigang Sino-Syrian.

Ipinagdiinan ni Wang na patuloy at buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng Syria sa pangangalaga sa soberanya, pagsasarili, at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Buong tatag ding kinakatigan ng Tsina ang Syria sa pagbibigay-dagok sa terorismo, pagpapanumbalik ng katatagan at kaligtasang pang-estado, at pagsasagawa ng rekonstruksyong pangkabuhayan.

Ipinahayag naman ni Muallem ang kahandaan ng Syria na aktibong lumahok sa "Belt and Road" Initiative. Inaasahan aniya ng Syria ang pagpapalawak ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa kanyang bansa. Nakahanda ang Syria na tutulan kasama ng iba't-ibang bansa, ang isinasagawang unilateralismo at economic terrorism ng Amerika sa daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>