Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Allen Dizon, bida ng dalawang pelikulang ipinalalabas sa 2019 Shanghai International Film Festival

(GMT+08:00) 2019-06-19 17:25:00       CRI

Hindi na bago kay Allen Dizon ang pagdalo sa mga international film festivals. Ilan sa kanyang Best Actor awards ay mula sa Harlem International Film Festival sa New York, Hanoi International Film Festival, at Silk Road International Film Festival sa Dublin, Ireland.

Unang beses niyang lumahok sa Shanghai International Film Festival (SIFF). Hindi man kasali sa kompetisyon, ipinagmamalaki niya ang pagdalo dahil bida siya sa dalawang pelikulang Pilipino na sabay na ipinalalabas sa 22nd SIFF.

Ang multi-awarded actor ay bida sa Alpha, The Right to Kill, pelikula ni Brillante Mendoza at lead actor din sa obra ni Ralston Jover na Persons of Interest.

Ang Persons of Interest ay kasama sa 22nd SIFF
Spectrum Alternatives category, at lumahok sa pestibal ang  Producers na sina (L) Ferdie Lapuz at Dennis Evangelista  at mga artistang sina (R) Nella Marie Dizon at Allen Dizon 

Dumalo si Allen Dizon, kasama ng kanyang anak at co-star sa pelikula na si Nella Marie Dizon at Producers na sina Dennis Evangelista at Ferdie Lapuz sa screening ng Persons of Interest sa Tianshan Cinema kagabi Hulyo 18, at nagkaroon sila ng pagkakataong sagutin ang tanong ng mga Tsinong manonood.

.
Sa ekslusibong panayam ng China Media Group Filipino Service kina (L-R) Allen Dizon, Nella Marie Dizon at Dennis Evangelista 

Sa eksklusibong panayam ng China Media Group Filipino Service, sinabi ni Dizon na nakakatuwang makitang nauunawaan ng mga manonod ang kanyang pelikula. Aniya pa, "Gusto mong 'yong pinaghirapan mo, pinagpaguran mo na naa-appreciate ng kapwa Pilipino, what more kung ibang lahi, so mas nakaka-inspire lalo gumawa ng pelikula."

Kasama ang Persons of Interest sa SIFF Spectrum Alternatives category. Ani Dennis Evangelista, "Ang mga pelikula sa kategoryang ito ay out of the box. Karamihan ay di-karaniwan kaya dapat abangan at hahangaan mo ang mga pelikulang andoon." Dagdag ni Evangelista, "Ang SIFF is a festival na nilo-look forward naming mga filmmakers dahil ito ay isa sa mga A-list film festivals. Kami ay taga-Asya, malapit sa Pilipinas kaya madaling makapunta."

Ibinahagi rin niya ang kanyang pangarap para sa local film industry ng Pilipinas, "Kaming mga independent producers ang aming laging dilemma ay return of investment. Although we are happy na napapansin ang mga pelikulang choice naming gawin sa international film festival but most of the time hindi naman naa-appreciate sa sarili nating bayan. Sana dumating yung panahon na magkaroon ng market for this kind of films. Sana soon para mag-survive ang industriyang Pilipino."

Audience interaction nina  (L-R) Nella Marie Dizon, Allen Dizon at
Producers na sina Ferdie Lapuz at Dennis Evangelista  sa screening ng Persons of
Interest sa Tianshan Cinema kagabi Hulyo 18, 2019

Masayang karanasan naman para kay Nella Marie Dizon ang SIFF. Pero nang tanungin kung mahirap bang makatrabaho ang premyadong ama sa isang pelikula, sagot ni Nella na nerve-wracking ito. Paliwanag niya, "I'm always nervous when I work with Dad. He is a multi-awarded actor. Baka mag-expect sila sa akin na kasing galing ko si Daddy so kinakabahan ako everytime the direktor says action."

Para sa mga fans ni Allen Dizon, dapat abangan ang project niyang Latay na mula rin kay Direk Ralston Jover at kasama bilang female lead si Lovi Poe.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera
Web-edit: Jade/Lito
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>