Idinaraos ngayon ang 2019 Shanghai International Film Festival (SIFF). Mahigit 1,800 pelikula mula sa mahigit 50 bansa't rehiyon na kasali sa Belt and Road Initiative ang nakatanghal sa kasalukuyang pesitibal. Limang pelikulang Pinoy ang kalahok, na kinabibilangan ng Hintayan ng Langit (Heaven's Waiting) ni Dan Villegas; Thy Womb at Alpha, The Right to Kill ni Brillante Mendoza; Persons of Interest ni Ralston Jover; at Kuya Wes ni James Mayo. Kasabay nito, ipinakilala ni Brillante Mendoza, 2009 Cannes Best Director ang Sinag Maynila Independent Film Festival at ang mga adhikain nito.
Noong 2018, sa ilalim ng SIFF, nabuo ang Belt and Road Film Festival Alliance na kinabibilangan ng Pilipinas at iba pang 28 bansa. Ngayon taon may 7 bagong miyembro ang alyansa.
Ang 2019 SIFF na pinasinayaan Hunyo 15 ay tatagal hanggang Hunyo 24.
Salin: Jade
Pulido: Rhio