Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nagharap ng mungkahi para sa magkasanib na imbestigasyon sa pagkabangga ng mga bapor pangisdang Tsino at Pilipino

(GMT+08:00) 2019-06-20 17:31:04       CRI
Sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2019, sa Beijing, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iminungkahi ng panig Tsino, na simulan sa lalong madaling panahon, kasama ng panig Pilipino, ang magkasanib na imbestigasyon sa pagkabangga ng isang bapor pangisda ng Tsina at isang bapor pangisda ng Pilipinas sa Liyue Tan ng Nansha Islands, at magpalitan din ng palagay batay sa magkahiwalay na inisyal na imbestigasyon ng isa't isa. Umaasa rin aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, na maayos na hahawakan ang isyung ito, sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian, at batay sa resulta ng imbestigasyon na kilalanin ng kapwa panig.

Sa ngalan ng panig Tsino, muli ring ipinahayag ni Lu ang pakikiramay sa mga mangingisdang Pilipinong apektado ng naturang aksidente.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>