Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gawaing panaklolo sa nilindol na lugar, maayos at tuloy

(GMT+08:00) 2019-06-20 12:18:35       CRI
Mahigit 3,100 tauhan na kinabibilangan ng mga bombero, pulis, at boluntaryo ang nakilahok sa gawain ng paghahanap at pagliligtas makaraang yanigin ng 6.0-magnitude na lindol ang Changning County, lunsod ng Yibin, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Hanggang alas-4:00 ng hapon, Miyerkules, Hunyo 19, natapos na sa kabuuan ang gawain ng paghahanap at pagliligtas at nagsimula nang ayusin ang mga guho.

Ito ang ipinahayag ni Li Tinggen, Pangkalahatang Kalihim ng pamahalaan ng Yibin sa preskon kahapon. Ito ang ikatlong preskon sapul nang maganap ang lindol alas 10:55, nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Li, 13 katao ang namatay, at 220 iba pa ang nasugatan. Bukod dito, 243,880 mamamayang lokal ang apektado, at mahigit 52,000 mamamayan ang inilipat mula sa mga nilindol na lugar. Kasabay nito, mahigit 20,000 bahay ang nagiba o matinding nasira, ayon sa pinakahuling datos.

Mga manggagawa habang naglilinis ng lansangan sa Shuanghe Town, Changning County, lunsod ng Yibin, lalawigang Sichuan, noong Hunyo 18, 2019. [Larawan: Xinhua]

Mga tauhang medikal habang nagsasaayos ng tolda sa Shuanghe Town, Changning County, lunsod ng Yibin, lalawigang Sichuan, noong Hunyo 18, 2019. [Larawan: Xinhua]

Mga tauhang medikal ng sandatahang lakas habang nangungumusta sa mga mamamayan sa pansamantalang panirahan, Shuanghe Town, Changning County, lunsod ng Yibin, lalawigang Sichuan, noong Hunyo 18, 2019. [Larawan: Xinhua]

Mga tauhang medikal ng sandatahang lakas habang ginagamot ang isang nasugatang mamamayan sa pansamantalang panirahan, Shuanghe Town, Changning County, lunsod ng Yibin, lalawigang Sichuan, noong Hunyo 18, 2019. [Larawan: Xinhua]

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>