Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mamamayan ng India, nagprotesta laban sa pagdalaw ni Pompeo

(GMT+08:00) 2019-06-26 11:58:20       CRI

New Delhi, India—Daan-daang mamamayan ng India ang nagrali nitong Martes, Hunyo 25, local time, bilang protesta sa pagdalaw ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos sa kanilang bansa. Binatikos nila ang patakaran ng Amerika sa Gitnang Silangan at ang proteksyonismo at unilateralismo ng Amerika.

Ang protesta ay inorganisa ng All India Peace and Solidarity Organisation (AIPSO). Iniwagayway ng mga demonstrador ang mga streamer na may pananalitang tulad ng "Huwag Ilunsad ang Digmaan laban sa Iran" at "Tutol sa Proteksyonismo," at isinigaw ang mga islogan na gaya ng "Huwag Sumuko sa Paniniil ng Amerika."

Nanawagan ang mga demonstrador sa pamahalaan ng India na huwag itigil ang pag-aangkat ng langis mula sa Iran dahil sa presyur ng Amerika. Ipinahayag din nila ang pagtutol sa pakikialam ng Amerika sa mga suliraning panloob ng Cuba at Venezuela.

Dumating sa India si Pompeo Martes ng gabi, para sa kanyang tatlong araw na biyahe sa bansa. Si Pompeo ang unang mataas na opisyal na Amerikano na dumalaw sa India sapul nang manumpa ang bagong pamahalaan ni Punong Ministro Narendra Modi.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>