Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangkalahatang Kalihim ng UN, nanawagan sa G20 na pamunuan ang pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig

(GMT+08:00) 2019-06-27 16:02:35       CRI
Bago ang pagdaraos ng Osaka G20 Summit, ipinadala kahapon, Miyerkules, ika-26 ng Hunyo 2019, ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), ang mensahe sa mga lider ng G20, bilang pananawagan sa kanila na isagawa ang mga hakbangin para pamunuan ang pagsasakatuparan ng mabilis, malakas, at pantay na paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Ang mga hakbanging iminungkahi ni Guterres ay kinabibilangan ng pagkakaloob ng social security at bagong bunga ng siyensiya at teknolohiya sa mga tao sa mga lugar ng daigdig na may bumubulusok na industriya, pagbuo ng pandaigdig na sistemang pinansyal na angkop sa target ng sustenableng pag-unlad, pagbibigay ng pantay na pagkakataon ng hanapbuhay sa kababaihan, at iba pa.

Sinabi rin ni Guterres, na sa kasalukuyan, kinakaharap ng multilateral na sistemang pangkalakalan ang krisis. Kaya aniya, dapat katigan ng G20 ang pagsasagawa ng kinakailangang reporma sa World Trade Organization, palakasin ang pandaigdig na kaligtasang pinansyal, at pag-ibayuhin ang pagharap sa mga sistematikong panganib.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>