Nag-usap sa telepono Hunyo 26, 2019, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Taro Kono, Ministrong Panlabas ng Hapon.
Ipinahayag ni Wang na dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa G20 Summit sa Hapon, at ito ay may mahalagang katuturan sa pagsasaayos ng pangangasiwang pandaigdig, pangangalaga ng multilateralismo, at pagpapabuti ng relasyon at pagpapalawak ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Hapon. Umaasa aniyang magkakaroon ang dalawang panig ng pagkakaisa para maigarantiya ang matagumpay at maalwang pagdaos ng iba't ibang aktibidad.
Ani Taro Kono, pinahahalagahan ng Hapon ang pagdalo ni Pangulong Xi Jinping sa G20 Summit, at inaasahang ipapadala ng dalawang panig ang positibong signal ng pagpapasulong ng relasyon ng Hapon at Tsina sa makabagong panahon. Nakahanda aniya ang Hapon na magpasulong ng pagpapalitan at koordinasyon ng dalawang panig para sa matagumpay na pagdaos ng G20 Summit.
Salin:Lele