Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nagpadala ng liham na pambati sa unang CAETE

(GMT+08:00) 2019-06-27 16:06:42       CRI

Changsha, Lalawigang Hunan ng Tsina—Binuksan Huwebes, Hunyo 27, 2019 ang kauna-unahang China-Africa Economic and Trade Expo (CAETE). Nagpadala ng liham na pambati sa ekspo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na mahabang panahon, ayon sa agos ng panahon at sarili nilang pangangailangan sa pag-unlad, aktibong isinagawa ng Tsina at Aprika ang pragmatikong kooperasyon, batay sa pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan, at kapansin-pansin ang natamong bunga nila.

Diin ni Xi, noong nagdaang Setyembre, ipinatalastas niya ang pagtatayo ng CAETE sa Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation, at layon nitong ilatag ang plataporma para sa pagpapalalim ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng kapuwa panig. Umaasa aniya siyang palalakasin ng magkabilang panig ang sinerhiya tungkol sa pagpapatupad ng "walong aksyon" ng nasabing Beijing Summit, aktibong hahanapin ang bagong landas ng kooperasyon, at pasusulungin ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng kapuwa panig sa bagong antas.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>