Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Reaksyon ng panig Tsino sa paglakip ng Amerika ng mga bahay-kalakal na Tsino sa umano'y "Entity List"

(GMT+08:00) 2019-06-27 18:25:42       CRI

Ipinahayag Huwebes, Hunyo 27, 2019 ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na pagpasok ng taong ito, 47 bahay-kalaka o organong Tsino ang magkakasunod na inilakip ng panig Amerikano sa umano'y "Entity List" ng pagkontrol at pangangasiwa sa pagluluwas. Aniya, ang kilos ng panig Amerikano sa pagpapalawak ng ideya ng pambansang katiwasayan, at pagmamalabis sa hakbangin ng pangangasiwa at pagkontrol sa pagluluwas ay lumalabag sa simulain ng kompetisyon ng pamilihan, humahadlang sa normal na pagpapalitang pansiyensiya, panteknolohiya at pangkalakalan ng dalawang bansa, at nakakapinsala rin sa interes ng mga bahay-kalakal na Tsino't Amerikano. Hindi makakabuti ito sa pagresolba sa isyu ng di-balanseng kalakalan na pinag-uukulan ng pansin ng panig Amerikano, at buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, dagdag ni Gao.

Ani Gao, sa mula't mula pa'y ipinalalagay ng panig Tsino na ang walang humpay na pagpapalalim ng Tsina at Amerika ng kooperasyon, at pagpapalawak ng positibong pagpapalitan, sa larangan ng hay-tek ay nakakabuti sa pagpapataas ng kabiyayaan ng mga mamamayan. Umaangkop din ito sa komong interes ng dalawang bansa, maging ng buong mundo. Hinimok niya ang panig Amerikano na agarang itigil ang maling aksyon, at bumalik sa landas ng kooperasyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>