|
||||||||
|
||
Laging ginagawa ng Tsina ang sariling pagsisikap upang suportahan ang paglago ng kabuhayang pandaigdig. Noong 2013, iniharap na ng lider na Tsino ang paninindigan ng pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig. Noong Marso ng 2019, ipinasa ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ang Foreign Investment Law, bilang isang pangunahing hakbangin ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas. Ang batas ay nagresulta sa pagdaragdag ng mga transnasyonal na kompanya ng pamumuhunan sa Tsina. Ayon sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang limang buwan ng taong ito, ang aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan sa Tsina ay umabot sa 369.06 bilyong yuan, at mas malaki ito nang 6.8% kumpara sa nagdaang taon. Sa background ng pagbaba ng Foreign Direct Investment sa buong mundo, ito ay nagpapakita ng tiwala ng mga dayuhang kompanya sa pamilihan ng Tsina at ito rin ang kanilang botong pabor sa mga hakbangin ng Tsina ng pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Habang nagtitipon ang mga lider ng mundo para sa G20 Summit, dapat silang magbigay-diin sa mga kinikilalang multilateral na paraang makatulong sa paglago ng kabuhayang pandaigdig, na gaya ng multilateralismo, multilateral na organisasyon, multilateral na kooperasyon, at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit nanawagan ang mga iskolar na Hapones sa kanilang bansa na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina at itaguyod ang integrasyong panrehiyon. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga lider ng maraming bansa ng G20, kabilang ang pangulo ng Tsina, ay magsasagawa ng mga bilateral at multilateral na pulong sa panahon ng summit, bilang pagpapakita ng kani-kanilang pagpapahalaga sa integrasyon at kooperasyong panrehiyon. Sa panahong isinasagawa ng Amerika ang unilateralismo at proteksyonismo, lalo pang mahalaga ang pagtutulungan ng iba't ibang bansa sa pangangalaga sa multilateralismo at pagpapasulong ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
"Kung gusto mong pumunta nang mabilis, pumunta nang mag-isa, pero kung gusto mong pumunta sa malayo, pumunta nang magkakasama," sabi ng isang kilalang kasabihang Aprikano. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unilateralismo, maaaring isakatuparan ng isang bansa ang mabilis na pag-unlad sa loob ng maikling panahon, pero magdudulot ito ng pangmatagalang pinsala sa bansang ito at makakaapekto rin sa pag-unlad ng ibang mga bansa. Sa mga nagdaang summit ng G20, laging itinaguyod ng Tsina ang multilateralismo, at ang summit sa Osaka ay hindi magiging eksepsiyon. Ito ang tungkulin ng Tsina bilang responsableng malaking bansa sa daigdig, at ito rin ang inaasahan ng daigdig mula sa Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |