Changsha, Lalawigang Hunan ng Tsina—Ipininid Sabado, Hunyo 29, 2019 ang 3-araw na kauna-unahang China-Africa Economic and Trade Expo (CAETE). Lampas sa 100,000 ang bilang ng mga bisita sa nasabing ekspo, at nilagdaan ang 84 na dokumentong pangkooperasyon na nagkakahalaga ng 20.8 bilyong dolyares. Ang nasabing mga dokumento ay may kinalaman sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, agrikultura, industriya ng pagyari, abiyasyon, turismo at iba pa.
Ang pagtatayo ng CAETE ay mahalagang hakbangin ng "walong aksyon" ng kooperasyong Sino-Aprikano. Ang mabungang resulta at positibong progreso ng ekspong ito ay nagpapakitang umaangkop ito sa bagong agos, katangian at pangangailangan ng pag-unlad ng kabuhaya't kalakalan ng Tsina at Aprika sa bagong panahon. Makakapagpasulong din ito sa pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng kapuwa panig, tungo sa mas mataas na antas at mas mabuting kalidad.
Salin: Vera