Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kita ng industriya ng software ng Tsina, lumaki ng 14.7%; pagtutulungang pandaigdig, aktibo

(GMT+08:00) 2019-07-01 14:49:17       CRI
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Linggo, Hunyo 30, ng Ministri ng Industriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon ng Tsina, noong unang limang buwan ng taong ito, umabot sa 2.63 trilyong yuan RMB ang kita ng sektor ng software ng bansa, at mas mataas ito ng 14.7% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2018.

Inilahad ni Xie Shaofeng, Puno ng Dibisyon ng Impormatisasyon at Serbisyo ng Software ng nasabing ministri na bunga ng lumalaking pangangailangan mula sa sektor na industriyal at iba pang mga larangan ng lipunan, naisakatuparan ng sektor ng software ang mabilis na pag-unlad.

Ani Xie, aktibo rin ang pakikipagtulungang pandaigdig ng sektor ng software ng Tsina, lalo na sa larangan ng intelligent manufacturing at Industrial Internet. Dagdag pa ni Xie, salamat sa mga preperensyal na patakaran ng Tsina, mabilis din ang pag-unlad ng mga dayuhang kompanya ng software sa Tsina. Ayon sa datos ng Tsina, noong 2018, umabot sa 194.6 na bilyong dolyares ang kita ng nasabing mga kompanya. Ipinangako rin ng opisyal Tsino na sa hinaharap, ibayo pang bubuksan ang pamilihan ng industriya ng software ng bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
software
v Software service income ng Tsina, lumaki 2019-05-28 16:55:18
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>