Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: pagpapaliit pa ng Tsina sa saklaw ng Negative List for Foreign Investment Market Access, ibayo pang breakthrough sa pagbubukas

(GMT+08:00) 2019-07-01 17:35:54       CRI

Inilabas Hunyo 30, 2019, ng Tsina ang mga bagong negative list para sa foreign investment market access para sa taong 2019. Ang mga ito ay may dalawang uri: ang Negative List for Foreign Investment Access in Pilot Free Trade Zone (FTZ) at Negative List for Foreign Investment Access in Non Free Trade Zone (Non FTZ).

Pahihintulutan ng mga ito ang pagpapalawak ng share ng mga dayuhan sa mga kompanya nasa Tsina, at papalawigin ang sarilinang pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga kompanyang nasa Tsina, sa maraming larangan.

Inilabas ang naturang mga listahan, wala pang 48 oras, makaraang ipatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa G20 Summit na ibayo pang palalawakin ang pagbubukas, at ito ay nagpapakita ng lakas at bilis ng askyon ng Tsina.

May tatlong katangian ang mga bagong listahan: una, ibayo pang pinaliit ang nilalaman ng listahan para sa non-FTZ, mula 48 sa 40: Ito'y lumiit nang 16.7% kumpara noong isang taon. Samantala, nabawasan din ang bilang ng mga aytem na nasa listahan para sa FTZ, mula 45 hanggang 37 aytem: ito'y lumiit nang 17.8%.

Ika-2, pinalawak ang mga larangan ng pagbubukas sa labas, na kinabibilangan ng agrikultura, pagmimina, manupaktura at transportasyon, telekomunikasyon, imprastraktura, kultura at iba pang mga industriyang panserbisyo.

At ika-3, kinansela ang limitasyon ng pagpasok ng dayuhang pamumuhunan sa Free Trade Zone sa larangan ng pangingisda, pag-imprinta at iba pa.

Ang matatag na aksyon ng Tsina sa walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas ay nagpapahigpit muli ng kasiguruhan ng mga dayuhang bahay-kalakal, at nagbibigay ng bagong ambag sa kooperasyong pandaigdig.

Nitong ilang taong nakalipas, komprehensibong pinalalalim ng Tsina ang reporma at walang tigil ding pinalalawak ang pagbubukas sa labas. Bilang isa sa mga masusing aksyon, noong Marso ng taong ito, pinagtibay ng Tsina ang batas ng dayuhang pamumuhunan na nagpapaliwanag sa mga regulasyon hinggil sa proteksyon sa karapatan ng pagmamay-ari sa mga likhang-isip at teknolohiya, pre-establishment national treatment, sistema ng pangangasiwa sa negative list, at karapatan ng mga dayuhan sa pamumuhunan at tubo, ayon sa batas.

Muli't muling pinatunayan ng katotohanan na kahit nagbabago ang daigdig, laging bukas, matatag at maliwanag ang tunguhin ng kabuhayan ng Tsina, at sinusunod nito ang ideya ng malawakang konsultasyon, magkakasamang pagsisikap at pagbabahaginan. Sa landas ng pagsusulong ng globalisasyon, ang Tsina ay laging isang maaasahang tagapagpaganap sa daigdig.

Salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>