Sa kanyang pagdalo nitong Martes, Hulyo 2, 2019, sa Summer Davos Forum na ginanap sa Dalian, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na dapat walang humpay na palalimin ng Tsina ang reporma at puspusang itatag ang mainam na kapaligirang pangnegosyo para ibayo pang mapasigla ang mga market entities.
Sinabi niya na ang pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo ay magpapalaya at magpapaunlad sa kakayahang produktibo. Palalakasin din nito ang pandaigdigang kakayahang kompetitibo, dagdag ni Li. Sa kasalukuyan at hinaharap, dapat aniyang buong sikap na palalimin ng Tsina ang reporma upang ipagkaloob ang pantay na kapaligirang pampamilihan para sa mga kompanyang Tsino at dayuhan.
Salin: Li Feng