|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo Martes, Hulyo 2, 2019, sa seremonya ng pagbubukas ng Summer Davos Forum na ginanap sa Dalian, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na magiging mas mataas ang lebel ng pagbubukas, kaliwanagan, at pag-asa ng Tsina para sa pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal. Bubuti aniya ang pangkalahatang kapaligirang pampamumuhunan ng bansa.
Sinabi ni Premyer Li na buong tatag na isusulong ng Tsina ang komprehensibong pagbubukas sa labas, at palalalimin ang pagbubukas ng industriya ng paggawa. Bukod dito, hihikayatin aniya ng Tsina ang paglahok ng mga pondong dayuhan sa mga modernong larangan ng paggawa na tulad ng elektronikong impormasyon, paggawa ng mga kagamitan, medisina, at bagong materyal, sa gawing gitnang kanluran ng bansa.
Dagdag pa ni Li, ibayo pang pabababain ng Tsina ang pangkalahatang lebel ng taripa at puspusang aalisin ang non-tariff barriers para mapataas ang lebel ng pagsasaginhawa ng pag-aangkat.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |