Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino at puno ng WEF, nagtagpo; multilateralismo at sustenableng pag-unlad, magkasamang isusulong

(GMT+08:00) 2019-07-02 09:23:10       CRI

Kinatagpo nitong Lunes, Hulyo 1, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Klaus Schwab, Tagapagpaganap na Tagapangulo ng World Economic Forum (WEF) sa Dalian, bay-baying lunsod sa dakong hilaga-silangan ng Tsina, sa sidelines ng WEF Annual Meeting of the New Champions, na kilala rin bilang Summer Davos Forum.

Ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina na palalimin ang partnership na pangkooperasyon sa WEF para magkasamang pangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan, at itatag ang bukas at inklusibong sistema ng kabuhayang pandaigdig.

Ipinahayag naman ni Schwab na nagkokonsentra ang WEF sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, at lubos na pinahahalagahan ang pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang WEF na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa Tsina para ibayo pang suportahan ang pag-unlad ng bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>