|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, binabalak ni Tsai Ing-wen, Lider ng Taiwan, na dumaan sa Amerika sa kasalukuyang buwan. Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Hulyo 1, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang paghimok ng panig Tsino sa panig Amerikano na sundin ang simulaing "Isang Tsina" at mga tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, at huwag pahintulutang dumaan si Tsai sa Amerika.
Ani Geng, palagiang tinututulan ng Tsina ang opisyal na pag-uugnayan sa pagitan ng Amerika at Taiwan. Matatag at malinaw rin aniya ang paninindigang ito. Hinimok niya ang panig Amerikano na maingat at maayos na hawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan, upang maiwasan ang pagkapinsala sa relasyong Sino-Amerikano at kapayapaa't katatagan ng Taiwan Straits. Nagharap na ng solemnang representasyon ang panig Tsino sa panig Amerikano tungkol dito, dagdag niya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |