|
||||||||
|
||
Sampung bagong konkretong hakbangin ang inilabas ng Tsina para mapabilis ang pag-aapruba ng adwana o customs clearance. Ito ang ipinahayag ni Hu Wei, Pangalawang Ministro ng Panlahat na Administrasyon ng Adwana ng bansa nitong Miyerkules, Hulyo 3, sa isang preskon sa Beijing.
Saad ni Hu, layon ng mga hakbangin na mapadali ang dokumentasyon, mapataas ang episyensiya sa pagdaan sa adwana, at mapasulong ang impormatisasyon ng mga puwerto at mapababa ang bayad.
Bunga nito, nabawasan sa 46 mula sa 86 ang bilang ng mga dokumento na kinakailangan sa pagluluwas at pag-aangkat. Kabilang dito, 42 ang maaaring aprubahan online, dagdag pa ni Hu.
Diin din ni Hu, upang mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kalakalang pandaigdig, palalalimin din ng Tsina ang pagtatatag ng "single window" system. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng isang portal lang, ma-a-access ng mga bahay-kalakal ang lahat ng mga resources at istandardisadong serbisyo mula sa iba't ibang departamento ng pamahalaan.
Mababasa ang nasabing mga hakbangin sa isang may kinalamang dokumento na magkakasamang inilabas kamakailan ng naturang administrasyon at iba pang departamento ng pamahalaang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |