Pagkaraang gawin ng mga ekstrimista ang karahasan sa gusali ng Legislative Council ng Hong Kong, ipinahayag ng Britanya ang mga balighong argumento hinggil sa kalagayan ng Hong Kong. Kabilang dito, ang tatlong pangunahing argumento ay nagbaligtad ng tama at mali, nagpalito sa opiniyong publiko, at lubos na taliwas sa katotohanan.
Una, sinabi ng panig Britaniko na balido pa rin ang Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya noong 1984 at batay dito, mayroon pa ring responsibilidad ang Britanya sa mga suliranin ng Hong Kong.
Pero sa katotohanan, ang Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Britanya noong 1984 ay dokumentong pulitikal hinggil sa pagpapanumbalik ng Tsina ng soberanya sa Hong Kong at mga usapin sa loob ng transisyonal na panahon. Pagkaraang bumalik ang Hong Kong sa Tsina noong Hulyo 1, 1997, natapos na kabisaan ng pahayag at natapos din ang lahat ng mga karapatan at obligasyon ng Britanya na nakalakip sa pahayag. Sa kasalukuyan, isinasagawa ng Tsina ang soberanya sa Hong Kong, batay sa Konstitusyon at Saligang Batas ng Hong Kong. Samantala, walang soberanya, kapangyarihan, o karapatan sa superbisasyon ang Britanya sa Hong Kong.