Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Tsina at Bangladesh, isusulong

(GMT+08:00) 2019-07-06 11:10:07       CRI

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Hulyo 5, 2019 kay Punong Ministro Sheikh Hasina Wazed ng Bangladesh, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pag-ibayuhin ng dalawang bansa ang tradisyonal na pagkakaibigan upang buong sikap na maisakatuparan ang komong pag-unlad ng dalawang bansa.

Sinabi ni Xi na kasalukuyan, kapwa nasa masusing yugto ang pag-unlad ng Tsina at Bangladesh. Aniya, ang pagpapatibay at pagpapaunlad ng estratehikong partnership ay hindi lamang angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa, kundi nakakabuti pa sa kasaganaan at katatagan ng Asya at bukas na kooperasyon sa buong daigdig.

Hinahangaan din ni Xi ang ibinibigay na pagkatig ng Bangladesh sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina. Tulad ng dati, patuloy aniyang kakatigan ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng Bangladesh sa pangangalaga sa pagsasarili at soberanya nito. Bukod dito, dapat palakasin ng dalawang panig ang kooperasyon ng Tsina at Bangladesh sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, kakayahan ng produksyon, enerhiya at koryente, komunikasyon at transportasyon, tele-komunikasyon, konstruksyon ng imprastruktura, at agrikultura, ani Xi.

Ipinaabot naman ni Hasina ang maringal na pagbati sa ika-98 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at ika-70 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Pinahahalagahan aniya ng Bangladesh ang mapagkaibigang relasyon sa Tsina, at iginigiit nito ang patakarang Isang Tsina. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang tulad ng kalakalan, pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, digital economy, pagharap sa pagbabago ng klima, at paglaban sa terorismo.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>