Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pandaigdigang promosyon ng Fujian, pinasinayaan

(GMT+08:00) 2019-07-06 11:12:51       CRI

Nitong Biyernes, Hulyo 5, 2019, idinaos sa Beijing ang pandaigdigang promosyon ng probinsyang Fujian na may temang "Tsina sa Bagong Siglo: Ekolohikal na Fujian, Simula ng Silk Road." Dumalo at nagtalumpati sa aktibidad si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

Ipinahayag ni Wang na matatagpuan ang probinsyang Fujian sa timog silangang baybaying-dagat ng Tsina. Aniya, bunsod ng espesyal na lokasyon nito, taglay ng probinsyang ito ang mabuting katangian ng pagiging bukas, inklusibo, at pagpupunyagi. Sa pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan sentro si Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping, tiyak na matatamo ng mga mamamayan ng Fujian ang mas maliwanag na tagumpay sa bagong siglo, dagdag niya.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang halos 500 personaheng kinabibilangan ng mga diplomata sa Tsina, kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig at mga top 500 companies mula sa 140 bansa't rehiyon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>