Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Iran: sa pamamagitan ng "estratehikong tiyaga," nagsisikap para sagipin ang JCPOA

(GMT+08:00) 2019-07-07 15:39:26       CRI
Ayon sa ulat ng tanggapang pampanguluhan ng Iran, sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon, Sabado, ika-6 ng Hulyo 2019, kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, sinabi ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, na nitong 14 na buwang nakalipas, sa pamamagitan ng "estratehikong tiyaga," nagsisikap ang Iran para sagipin ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) tungkol sa isyung nuklear. Umaasa aniya siyang, pag-iibayuhin din ng Unyong Europeo (EU) ang pagsisikap para isalba ang kasunduang ito.

Ipinahayag pa ni Rouhani, na ang mga sangsyon ng Amerika laban sa Iran ay naituturing na teroristikong gawain at kabilang sa komprehensibong digmaang pangkabuhayan. Kung ipagpapatuloy ang mga sangsyon, ito aniya ay magdudulot ng banta sa Gitnang Silangan at buong daigdig.

Samantala, ayon sa pahayag na inilabas ng tanggapang pampanguluhan ng Pransya pagkaraan ng nabanggit na pag-uusap, muling ipinahayag ng EU ang buong tinding pagtutol sa pag-urong ng Amerika sa JCPOA. Nagkasundo rin sina Macron at Rouhani, na bago ang ika-15 ng buwang ito, tatalakayin ang hinggil sa mga kondisyon sa pagdaraos ng talastasan para panumbalikin ang naturang kasunduan, anang pahayag.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>