Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Negosasyon sa pagitan ng Amerika at Taliban, nagtamo ng tunay na progreso--negosyador na Amerikano

(GMT+08:00) 2019-07-07 16:24:14       CRI
Ipinahayag kahapon, Hulyo 6, sa Doha, Qatar, ni Zalmay Khalilzad, Espesyal na Kinatawan ng Pamahalaan ng Amerika sa Rekonsiliyasyon ng Afghanistan, na nagtamo ng tunay na progreso ang ikapitong round ng negosasyon sa pagitan ng Amerika at Afghan Taliban.

Sinabi ni Khalilzad, na sinimulan noong Hunyo 29 ang naturang round ng negosasyon, at ang dalawang panig ay gumawa ng tunay na pag-unlad sa mga larangang gaya ng kontra-terorismo, pag-urong ng mga sundalong Amerikano, panloob na diyalogo ng Afghanistan, at permanente at komprehensibong tigil-putukan. Ito ang "pinakamabuting negosasyon" simula nang isagawa ng dalawang panig ang direktang negosasyon, ani Khalilzad.

Samantala, ang panloob na diyalogo ng Afghanistan na itinataguyod ng Qatar at Alemanya ay nakatakdang ganapin ngayong araw sa Doha. Sinabi ni Khalilzad na upang "suportahan ang diyalogong ito," ang kasalukuyang round ng negosasyon sa pagitan ng Amerika at Taliban ay suspendido sa loob ng dalawang araw mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 8. Naniniwala aniya siyang ang diyalogong ito ay isang "disididong pangyayari" sa proseso ng kapayapaan ng Afghanistan.

Salin: George Guo

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>