Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Qishan, dumalo at nagtalumpati sa ika-8 World Peace Forum

(GMT+08:00) 2019-07-08 17:19:32       CRI
Noong Hulyo 8, idinaos sa Beijing ang ika-8 World Peace Forum sa ilalim ng temang "Matatag na International na Kaayusan: Pananagutan, Pamamahala, at Pagbabahagi".

Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, na palaging determinado ang kanyang bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad. Hindi aniya tatahak ang Tsina sa landas ng hegemonya at hindi bubuo ng sariling saklaw ng impluwensiya.

Sinabi rin niyang, sa harap ng kasalukuyang pagbabago ng internasyonal na kaayusan, inaasahan ng Tsina na itataguyod ang pagsusulong ng isang bagong uri ng internasyunal na relasyon at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan, pangangalagaan ang pundasyon ng multilateralismo, palalawakin ang landas ng pangkaraniwang pag-unlad, itataguyod ang pag-aaral ng iba't ibang kultura sa isa't isa, at palalakasin ang pagtutulungan upang lutasin ang mga bagong hamon para sa sangkatauhan. Nananawagan din aniya ang Tsina sa lahat ng mga bansa na sundin ang paniniwala ng mapayapang pag-unlad, walang-alinlangang itaguyod ang pang-ekonomiyang globalisasyon, at sama-samang gumawa ng isang mas makatarungan, makatwiran, matatag at mabisang internasyonal na kaayusan.

Salin: George Guo

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>