|
||||||||
|
||
Sa Museo ng Pakikidigma ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hapon, Beijing, idinaos nitong Linggo ng umaga, Hulyo 7, 2019, ang seremonya ng paggunita sa ika-82 anibersaryo ng pagsiklab ng Anti-Japanese Aggression War ng Tsina. Nangulo sa seremonya si Cai Qi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Kalihim ng Lupong Panlunsod ng Beijing.
Dumalo sa nasabing seremonya ang mga tauhan mula sa mga kaukulang departamento ng pamahalaan, at mahigit 500 kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan.
Noong Hulyo 7, 1937, inilunsad ng mapanalakay na tropang Hapones ang "7.7 Incident" na sumagisag sa pagsisimula ng komprehensibong mapanalakay na digmaan ng Hapon sa Tsina at pagsiklab ng Anti-Japanese Aggression War ng Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |