Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong tsanel na panlupa't pandagat sa pagluluwas ng mga produktong agrikultural sa Timog silangang Asya, itinatag sa Gansu

(GMT+08:00) 2019-07-08 16:14:39       CRI

Lanzhou, Lalawigang Gansu ng Tsina—Idinaos nitong Biyernes, Hulyo 5, 2019 ang porum hinggil sa konstruksyon ng bagong tsanel na panlupa't pandagat ng kalakalang pandaigdig ng Belt and Road at nukleong logistics hub ng bansa. Kalahok dito ang mga kinatawan ng pamahalaan at iskolar mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road na gaya ng Rusya, Azerbaijian, at 9 na lalawigan at rehiyong awtonomo ng bansa.

Ayon sa salaysay ni Dai Hansheng, Punong Manadyer ng sangay ng China Railway Container Transport (CRCT) sa Lanzhou, sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng 38 freight line ng bagong tsanel na panlupa't pandagat, iniluluwas ng Gansu ang mga produktong agrikultural na gaya ng mansanas at sibuyas, at mga produktong industriyal sa Biyetnam, Thailand, Myanmar, Indonesia, Greece at iba pa. Salamat sa bagong tsanel na panlupa't pandagat ng kalakalan, pumasok sa pamilihan ng Timog-silangang Asya ang maraming produkto ng Gansu, dagdag niya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>