Sa isang ulat na magkasanib na inilabas sa Roma, Italya nitong Lunes, Hulyo 8, 2019 ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) at Food and Agriculture Organization of the United Nations (UNFAO), tinaya nito na dahil nagiging mas mataas ang bahagdan ng paglaki ng production rate ng produktong agrikultural sa buong daigdig kaysa paglaki ng pangangailangan sa produktong agrikultural, sa loob ng darating na sampung (10) taon, mananatili o magiging mas mababa ang presyo ng mga pangunahing produktong agrikultural kaysa kasalukuyang lebel matapos ang pagsasaayos ng inplasyon.
Dagdag pa nito, sa loob ng darating na 10 taon, kahaharapin pa rin ng produktong agrikultural sa daigdig ang maraming elementong kawalang-katatagan na kinabibilangan ng maigting na kalagayang pangkalakalan, pagkalat ng mga epidemiyang kaukulang sa mga hayop at gulay, at paglakas ng mga ito sa drug resistance.
Salin: Li Feng