Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakikibaka ng Tsina laban sa terorismo, mabisang hakbangin laban sa aksyon ng mga terorista

(GMT+08:00) 2019-07-10 15:39:10       CRI

Sinabi nitong Martes, Hulyo 9, 2019 ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na ang isinasagawang pakikibaka ng Tsina laban sa terorismo at ekstrimismo ay mabisang nakakapagpigil sa gawain ng mga terorista. Bunga nito'y naigagarantiya aniya sa pinakamalaking digri, ang mga pundamental na karapatan ng mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng bansa.

Sa isang bukas na debatehang idinaos nang araw ring iyon ng UN Security Council tungkol sa pag-uugnayan ng pandaigdigang terorismo at organisadong krimen, sinabi ni Ma na ang Tsina ay biktimang bansa ng terorismo. Aniya, sa harap ng mga realistikong bantang dala ng terorismo at ekstrimismo, isinasagawa ng Tsina ang buong tinding hakbangin para mapasulong ang pakikidigma sa mga problemang ito. Ito ay mahalagang bahagi ng pakikibaka ng komunidad ng daigdig laban sa terorismo, at ganap na angkop sa layunin at prinsipyo ng UN na nagbibigay-dagok sa terorismo at naggagarantiya ng pundamental na karapatang pantao, aniya pa.

Dagdag pa ni Ma, aktibong kinakatigan ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng mga umuunlad na bansa sa pakikibaka sa usaping ito. Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagkooperasyon sa mga umuunlad na bansa para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>