Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pragmatikong pagtutulungan, ibayo pang pasusulungin ng Tsina't Poland

(GMT+08:00) 2019-07-10 10:32:36       CRI

Nagtagpo nitong Martes, Hulyo 9, local time, sa Warsaw, Poland sina Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Pangulong Andrzej Duda ng Poland.

Sinabi ni Pangulong Duda na sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Poland ngayong taon, pinahahalagahan ng kanyang bansa ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap sa pamumuhunan sa Poland ng mas maraming kompanyang Tsino.

Ipinahayag naman ni Wang ang pagpapahalaga ng Tsina sa komprehensibong estratehikong partnership sa Poland. Umaasa aniya ang panig Tsino na sasamantalahin ang mga oportunidad para walang-humpay na mapasulong ang mga pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa.

Kapuwa nila ipinahayag ang kahandaan ng dalawang bansa na magkasamang pasulungin ang pagtutulungan sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), pagtutulungan ng Tsina't Sentral at Silangang Europa, at pagtutulungang Sino-Europeo. Nakahanda rin anila ang dalawang bansa na palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at magkasamang pangalagaan ang multilateralismo, para mapasulong ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>