|
||||||||
|
||
Martes ng umaga, Hulyo 9, 2019, sa eskinita ng scenic spot ng Kashi ancient city, naglilinis ang mga residente sa harap ng kanilang bahay.
Pagpasok ng Hulyo, sinalubong ng nasabing lunsod ang yearly tourism peak season. Nagpunta sa lunsod na ito ang mga turista mula sa iba't-ibang lugar para maramdaman ang ganda ng pamumuhay sa matandang lunsod.
Sa kasalukuyang taon, mabilis ang pag-unlad ng industriya ng turismo sa Kashi ancient city. Ayon sa datos mula sa komisyong tagapamamahala ng naturang scenic spot, noong unang hati ng kasalukuyang taon, tinanggap nito ang mahigit 310 libong turista na mas malaki ng mahigit 90% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |