Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kauna-unahang diyalogo ng mga ministro ng pananalapi ng Tsina at Italya, ginanap sa Milan

(GMT+08:00) 2019-07-11 10:13:07       CRI

Milan, Italya—Ginanap Miyerkules, Hulyo 10, 2019 ang kauna-unahang diyalogo ng mga ministro ng pananalapi ng Tsina at Italya. Magkasamang nangulo sa diyalogo at dumalo sa Porum na Pinansyal ng Tsina at Italya ang mga Ministro ng Pananalapi na sina Liu Kun ng Tsina at Giovanni Tria ng Italya.

Nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa kalagayan ng makro-ekonomiya ng daigdig, pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, estratehikong kooperasyon, kooperasyong pinansyal, pagsusuperbisa at pangangasiwa sa pinansya, pagpapalitan at pagtutulungan sa patakarang pinansyal at pampananalapi ng dalawang bansa, at iba pang paksa. Inulit nila ang magkasamang pangangalaga sa malayang kalakalan at multilateralismo, pagpapasulong at pagkokompleto ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, aktibong pagpapatupad ng memorandum of understanding hinggil sa kooperasyon sa konstruksyon ng Belt and Road, at pagkatig sa konstruksyon ng Belt and Road at proyekto ng pamilihan ng ika-3 panig, sa pamamagitan ng kooperasyon sa pangingilak ng pondo. Kapuwa sang-ayon silang ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa pamilihang pinansyal at pagsusuperbisa't pangangasiwang pinansyal, at pasiglahin ang kani-kanilang mga organong pinansyal na mamuhunan sa pamilihan ng isa't isa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>