Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-13 pulong ng mga ministrong pandepensa ng ASEAN, idinaraos sa Bangkok

(GMT+08:00) 2019-07-11 10:19:23       CRI

Mula Hulyo 10 hanggang Hulyo 12, 2019, idinaraos sa Bangkok, Thailand ang ika-13 pulong ng mga ministrong pandepensa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang tema ng kasalukuyang pulong ay "sustenableng seguridad."

Nauna rito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Thailand, na ang naturang pulong ay itinuturing na magandang pagkakataon para sa pagpapalakas ng kooperasyong militar ng iba't ibang bansang ASEAN, at tatalakayin ng mga ministrong pandepensa ang mga isyung gaya ng kooperasyong panseguridad, isyu ng hanggahan, saklolong militar at medical, at iba pa. Bukod dito, ang mga paksang gaya ng pagpapalawak ng ASEAN ng kooperasyon sa Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, New Zealand, India, Rusya at Amerika ay tatalakayin din sa pulong.

Isiniwalat ng nasabing tagapagsalita na sa ASEAN Defence Ministers' Meeting Plus (ADMM+) na gaganapin sa katapusan ng taong ito, tatalakayin, pangunahin na, ang hinggil sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan, pagpapalakas ng kooperasyon sa pagbabawas ng epekto ng likas na kapahamakan, pagbibigay-dagok sa terorismo at iba pa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>