Ipininid Miyerkules, Hulyo 10, 2019 sa Hong Kong ang pandaigdigang porum na "US-China Trade and Economic Relations: What Now, What Next". Ipinalalagay ng mga kalahok sa porum na ang pagsisimulang muli ng Tsina at Amerika ng pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ay nagpadala ng positibong signal, at ito ay hindi lamang angkop sa interes ng dalawang bansa, kundi makakabuti rin sa kabuhayang pandaigdig.
Sa nasabing 2-araw na porum, tinalakay ng mga kalahok mula sa Tsina, Amerika, Kanada, Hapon, Singapore at iba pang bansa't rehiyon ang mga paksang kinabibilangan ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika, kasalukuyang kalagayan at pagtanaw sa relasyong Sino-Amerikano, at kinabukasan ng globalisasyon, pagsasaayos na pandaigdig, at multilateralismo. Sa tingin ng mga kalahok, ang relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, ang pagtutulungan ng dalawang bansa ay makakabuti sa kapuwa panig, gayunman, ang paglaban ay makakapinsala rin sa kapuwa panig.
Ang nasabing porum ay magkasamang itinaguyod ng China Center for International Economic Exchanges at China-United States Exchange Foundation.
Salin: Vera