Idinaos nitong Huwebes, Hulyo 11, 2019 ang symposium hinggil sa kaisipan ni Pangulong Xi Jinping sa diplomasya. Sa kanyang talumpati sa seremya ng pagbubukas ng symposium, inilahad ni Song Tao, Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga tampok na kaisipang diplomatiko ni Xi.
Ani Song, layon ng ideya na pasulungin ang pagtatatag ng bagong pandaigdig na relasyon at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan. Para rito, kailangang iugnay ang mga saligang interes ng Tsina sa mga komong interes ng iba't ibang bansa ng daigdig, at itatag ang relasyon ng Tsina't daigdig na may paggagalangan, pagkakapantay-pantay at katwiran, at pagtutulungan at win-win result, dagdag pa ni Song.
Salin: Jade
Pulido: Mac