Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malawakang people-to-people exchanges, patunay ng mas bukas na paglahok ng Tsina sa globalisasyon--mga ekspertong Tsino at dayuhan

(GMT+08:00) 2019-07-14 16:28:02       CRI
Idinaos kahapon, Sabado, ika-13 ng Hulyo 2019, sa Beijing, ang Ika-3 Seminar on Global Talent Mobility and International Migration.

Sinipi ng mga kalahok na ekspertong Tsino at dayuhan ang mga estadistika tungkol sa international human migration at people-to-people exchanges ng Tsina. Halimbawa, noong 2018, lumampas sa 30 milyong person time ang bilang ng mga dayuhang pumasok sa Tsina, at lumaki ng 4.6% ang bilang na ito kumpara sa taong 2017. Noong 2018 naman, inilabas ng Tsina ang 330 libong work permit sa mga dayuhang propesyonal, at sa kabuuan, mahigit 950 libong dayuhan ang nagtatrabaho ngayon sa Tsina. Samantala, ayon sa estadistika ng Organization for Economic Cooperation and Development, sa kasalukuyan, nagtatrabaho ang mahigit 200 libong Tsino sa 36 na kasaping bansa ng organisasyong ito. At ang Tsina ay kapwa mahalagang bansang pinagmumulan at destinasyon ng mga mandarayuhan.

Ipinalalagay ng mga eksperto, na lumalahok ang Tsina sa globalisasyon sa pamamagitan ng mas bukas na atityud. Anila, ang napakalaking bilang ng international human migration at people-to-people exchanges ng Tsina ay ang pinakamabuting patunay ng tuluy-tuloy na paglakas ng pambansang puwersa ng Tsina, tuluy-tuloy na paglalim ng pagbubukas nito sa labas, at tuluy-tuloy na pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>