Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglulunsad ng ikalawang lunar probe ng Indya, muling ipinagpaliban

(GMT+08:00) 2019-07-15 16:15:15       CRI
Ayon sa Indian Space Research Organization, ang paglulunsad ng Chandrayaan-2 lunar probe ng Indya, na nakatakdang isagawa kaninang madaling araw, Lunes, ika-15 ng Hulyo 2019, ay kinansela halos isang oras bago ang nakatakdang panahon ng paglulunsad, dahil sa natuklasang "depektong teknikal" sa rocket launcher.

Nauna rito, ilang beses nang ipinagpaliban ang paglulunsad ng naturang lunar probe. Matatandaang ang unang nakatakdang panahon ng paglulunsad ay noong huling hati ng nagdaang taon.

Ang Chandrayaan-2 ay ikalawang lunar mission ng Indya. Ang misyong ito ay idinisenyo para isagawa ang soft landing sa Buwan.

Noong Oktubre 2008, isinagawa ng Indya ang Chandrayaan-1 mission. Matagumpay na nailunsad ang isang lunar orbiter na nakatakdang tumakbo sa loob ng dalawang taon, pero nawalan ito ng kontak sa mundo noong Agosto 2009.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>