|
||||||||
|
||
Sa ika-3 regular na pulong ng Ika-9 na National Assembly of People's Power ng Cuba na idinaos nitong Sabado, Hulyo 13, 2019, buong pagkakaisang ipinasa ng mga kinatawan ang bagong "Election Law" na eksaktong nagkabisa sa araw na ito.
Ayon sa bagong konstitusyon at batas ng eleksyon, itatatag ng Cuba ang posisyon ng Pangulo at Punong Ministro ng bansa. Ihahalal ng National Assembly of People's Power ang pangulo ng bansa na may limang taong termino. Ang punong ministro naman ay ino-nominate ng Pangulo ng bansa at hihirangin ng pambansang asemblea.
Ayon kay Miguel Díaz-Canel Bermúdez, kasalukuyang Pangulo ng Konseho ng Estado ng Cuba, ang bagong pangulo ng bansa ay ihahalal sa darating na Oktubre.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |