Ayon sa ulat na "Seguridad ng Pagkain at Kalagayan ng Nutrisyon sa Daigdig" na isinapubliko nitong Lunes, Hulyo 15, 2019 ng United Nations (UN), sinabi nito na nitong ilang taong nakalipas, unti-unting dumarami ang bilang ng mga nagugutom sa buong daigdig. Anito, hanggang noong isang taon, umabot sa mahigit 820 milyon ang bilang ng populasyong humarap sa kahirapan ng kakulangan sa pagkain.
Binigyang-pansin din ng ulat ang lumalalang problema ng katabaan sa buong daigdig. Anang ulat, halos apat na milyong katao ang namamatay dahil sa katabaan bawat taon.
Salin: Li Feng