Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, hinimok ang Amerika na iwasto ang maling kagawian nito

(GMT+08:00) 2019-07-17 14:57:54       CRI

Hinimok nitong Martes gabi, Hulyo 16, 2019 ng isang tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang panig Amerikano na isagawa ang aktuwal na aksyon at iwasto ang maling kagawian nito sa anti-subsidy investigation sa Tsina.

Noong Hulyo 16 (Geneva time), ibinaba ng World Trade Organization (WTO) ang desisyong 11 anti-subsidy measures kung saan kasangkot ng Amerika ay labag sa regulasyon ng WTO.

Anang nasabing tagapagsalitang Tsino, sa mula't mula pa'y iginagalang at tinutupad ng panig Tsino ang regulasyon ng multilateral na kalakalan. Tinututulan din aniya ng Tsina ang kagawian ng pagmamalabis sa paggamit ng trade remedy measure. Layon ng pagsampa ng kaso na hindi lamang igarantiya ang sariling lehitimong kapakanan at karapatan, kundi pangalagaan ang kapangyarihan ng multilateral na sistemang pangkalakalan at regulasyon ng WTO.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>