![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Idinaos kamakailan ang pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina kung saan ginawa ang pagsasaayos para totohanang mapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng iba't-ibang uri ng market bodies.
Tinukoy sa pulong na dapat patuloy na palakasin ang pagpapatupad ng batas sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), at dapat ding pantay na proteksyunan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga market bodies. Kaugnay nito, ipinahayag ng mga dalubhasa na ang patuloy na pagpapalakas ng pangangalaga sa IPR sa Tsina ay nakakatulong sa pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo, pagpapasulong ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, at pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyon.
Ayon sa inilabas na datos, noong unang hati ng kasalukuyang taon, inimbestigahan at nalutas ng mga IPR at trademark department ng Tsina ang 6,529 kasong may kaugnayan sa paglabag at pekeng IPR, at 11.5 libong kaso ng trademark violation.
Sa pamamagitan ng isinasagawang serye ng hakbangin ng mga kaukulang departamento ng Tsina, komprehensibong napapalakas ang proteksyon sa IPR sa bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |