Sinabi Hulyo 17, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palaging itinataguyod ng Tsina ang paglutas ng mga sagupaang pang-ekonomiya sa pagitan ng Tsina at Amerika sa pamamagitan ng pag-uusap at konsultasyon. Ang Tsina aniya ay palaging tapat sa mga konsultasyon sa ekonomiya at kalakalan. Inaasahan ni Geng na ipapakita ng Amerika ang determinasyon at tiyaga, at magsisikap kasama ng Tsina batay sa paggalang at pantay na pagtinginupang makamit ang kapaki-pakinabang at win-win na kasunduang pang-ekonomiya.
Bilang tugon sa pahayag ng isang senador Amerikano hinggil sa patuloy na pagpapahigpit ng restriksyon sa Huawei, sinabi ni Geng Shuang na ginagamit ng Amerika ang kapangyarihang pang-estado upang sugpuin ang mga negosyo ng Tsina. Ito, aniya ay seryosong sumisira sa imahe ng Amerika, mga interes ng mga Amerikanong kompanya at pandaigdigang kadena ng industriya at supply chain. Diin ni Geng, dapat patuloy na malawakang tutulan, at labanan ng lahat ng mga bansa ang ganitong aksyon. Umaasa aniya ang Tsinang agad na itinitigil ng Amerika ang panunupil at mga parusa laban sa mga kompanya ng bansa, tulad ng Huawei, at gumawa ng positibong hakbang upang itaguyod ang malusog at matatag na pag-unlad ng pagtutulungang pang-ekonomiya at pang-kalakalan ng Tsina at Amerika.
salin: George Guo