Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pabubutihin ang pangangasiwa sa social credit system

(GMT+08:00) 2019-07-19 11:59:58       CRI

Ipinahayag nitong Huwebes, Hulyo 18 ni Lian Weiliang, Pangalawang Direktor ng National Development and Reform Commission (NDRC) ng Tsina na ibayo pang pabibilisin ng bansa ang pagpapabuti ng pangangasiwa at pagsusuperbisa sa social credit ng mga entidad para makalikha ng mainam na kapaligirang pangnegosyo.

Winika ito ni Lian sa preskon sa Beijing, kaugnay ng may kinalamang dokumento na inilabas kamakailan ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina.

Salaysay ni Lian, nakatuon ang bagong dokumento sa mga sektor na may mahigpit na kaugnayan sa kaligtasan ng mga mamamayan, na gaya ng pagkain at medisina, kapaligirang ekolohikal, kalidad ng mga proyekto, kaligtasan ng mga lugar na pinagtatrabahuhan, pag-aalaga sa matatanda, pag-aaruga sa mga bata, transportasyon sa mga lunsod, at iba pa.

Ayon kay Lian, hiniling din ng dokumento na pabutihin ang bagong sistema ng pangangasiwa at pagsusuperbisa sa social credit, para maprotektahan ang mga kompanyang tumatalima sa batas at may magandang rekord ng kredito, at parusahan, at higit pa, itiwalag sa pamilihan ang mga labag sa batas at alituntunin. Para sa mga entidad na may magandang rekord, babawasan ang pagsusuri at para naman sa kompanyang masama ang rekord, patataasin ang pagsusuri at pagsusuperbisa, dagdag pa ni Lian.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>