Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Qishan, nakipagtagpo sa Tagapayong Diplomatiko ng Pangulo ng Pransya

(GMT+08:00) 2019-07-19 16:48:35       CRI
Nagtagpo Hulyo 19, 2019, dito sa Beijing, sina Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina at Emmanuel Bonne, Tagapayong Diplomatiko ng Pangulo ng Pransya.

Ipinahayag ni Wang na dapat palakasin ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Pransya sa iba't ibang larangan, at isakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa hinggil sa bilateral na relasyon at kalagayang pandaigdig, para mapasulong ang mas malaking pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Pransya. Aniya pa, nakahanda ang Tsinang patuloy na magsikap, kasama ng Unyong Europeo (EU), para magbigay ng ambag para sa kapayapaan, katatagan at sustenableng pag-unlad ng daigdig.

Ipinahayag naman ni Bonne na mahalagang-mahalaga ang relasyon ng Pransya at Tsina. Nakahanda aniya ang Pransya na palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa Tsina, batay sa paggalang at pagtitiwalaan sa isa't isa, pasulungin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig at pangalagaan ang pandaigdigang regulasyon at kaayusan.

Salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>