Idinaos kahapon, Sabado, ika-20 ng Hulyo 2019, sa iba't ibang lugar ng Amerika ang mga aktibidad bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng paglapag ng sangkatauhan sa Buwan.
Kabilang dito, isinahimpapawid ng National Aeronautics and Space Administration ang video clip ng paglapag at paglalakad sa Buwan ni Neil Armstrong, astronaut ng Apollo 11, sa parehong panahon naganap ito noong 50 taon nakararaan.
Nang araw ring iyon, bumisita sina Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Amerika at Buzz Aldrin, isa pang astronaut ng Apollo 11, sa John F.Kennedy Space Center, kung saan inilunsad ang naturang spacecraft. Sa panahon ng pagbisita, sinabi ni Pence, na natapos na ng Amerika ang paggawa ng Orion spacecraft, para muling ihatid ang astronaut sa Buwan bago ang 2024, at isakatuparan sa hinaharap ang kauna-unahang paglapag ng sangkatauhan sa Mars.
Salin: Liu Kai