Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nakahandang patuloy na magbibigay-tulong sa epidemiya ng Ebola sa Aprika

(GMT+08:00) 2019-07-24 16:40:20       CRI

Sinabi nitong Martes, Hulyo 23, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong-higpit na sinusubaybayan ng kanyang bansa ang epidemiya ng Ebola sa Aprika, at nakahanda itong patuloy na magkaloob ng kakailanganing tulong sa mga apektadong bansa.

Winika ito ni Hua sa regular na preskon kaugnay ng pahayag ng World Health Organization (WHO) hinggil sa epidemiya ng Ebola sa Democratic Republic of Congo (DRC). Ayon sa WHO, ang epidemiya ng Ebola sa nasabing bansang Aprikano ay nagiging pangkagipitang pangyayari ng kalusugang pampubliko na nakatawag ng pandaigdig na pagkabalaha.

Idinagdag pa ni Hua, sapul nang maganap ang salot sa Kanlurang Aprika noong 2014, nanguna ang Tsina sa mga bansang dayuhan para magbigay ng pangkapigitang tulong sa mga apektadong bansa. Simula noong 2018, nagkaloob na ang Tsina ng mga makataong tulong sa DRC para mapigilan at makontrol ang pagkalat ng Ebola at nagpadala ng mga dalubhasang medikal sa DRC at Uganda, sa pamamagitan ng mga bilateral at multilateral na tsanel. Bukod dito, nagpasiya rin aniya kamakailan ang pamahalaang Tsino na mag-abuloy ng mga materyales para tulungan ang Uganda laban sa salot.

Saad ni Hua, sa pamamagitan ng nasabing mga tulong, ipinakikita ng Tsina, na itinuturing nito ang mga bansang Aprikano bilang kapatid, na kasama sa hirap at ginhawa.

Salin: Jade
|Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>