Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

White paper hinggil sa tanggulang bansa ng Tsina, komprehensibong naglahad ng patakarang "depensa lamang" ng bansa

(GMT+08:00) 2019-07-24 11:56:27       CRI

Inilabas Miyerkules, Hulyo 24, 2019 ng pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang "Pambansang Depensa ng Tsina sa Bagong Panahon." Komprehensibo nitong inilahad ang patakarang "depensa lamang" ng bansa sa bagong panahon. Sa kauna-unahang pagkakataon, binuo ang sistema ng patakarang pandepensa ng Tsina, at malinaw na ipinakita sa daigdig ang estratehikong direksyon, pundamental na simulain, at katuturang pandaigdig ng konstruksyon ng depensa at tropa ng Tsina.

Ito ang ika-10 white paper hinggil sa tanggulang bansa na inilabas ng pamahalaang Tsino sapul noong 1998.

Komprehensibong ipinakita sa nasabing white paper, sa kauna-unahang pagkakataon, ang historikal na tagumpay ng Tsina sa pagpapalalim ng reporma sa depensa at tropa, detalyadong inilahad ang makatwiran at angkop na defense expenditure, at isinalaysay ang estruktura ng gastusin sa tanggulang bansa ng Tsina. Isinalaysay din ng white paper ang konkretong praktika ng Tsina sa pangangalaga sa mga simulain ng Karta ng United Nations (UN), pagpapasulong ng pagtatatag ng bagong security partnership, pagpapasulong ng pagtatatag ng balangkas ng rehiyonal na kooperasyong panseguridad, maayos na paghawak sa mga isyung may kinalaman sa teritoryo at alitan sa demarkasyong pandagat, aktibong pagkakaloob ng mga produkto para sa pandaigdigang seguridad na pampubliko at iba pa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>