Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kim Jong-un, pinatnubayan ang paglulunsad ng bagong tactical guided weapon; Amerika at T.Korea, ikinababahala ito

(GMT+08:00) 2019-07-26 16:41:37       CRI

Ayon sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA), pinatnubayan Huwebes, Hulyo 25, 2019 ni Kim Jong-un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK) ang paglulunsad ng bagong tactical guided weapon. Pero hindi binanggit ng nasabing ulat ang konkretong uri o pangalan ng naturang sandata.

Anang ulat, ang kasalukuyang paglulunsad ng bagong sandata ay babala sa pamahalaan ng Timog Korea sa plano nitong papasukin ang sulong na sandata sa pagsalakay at isagawa ang pagsasanay-militar. Umaasa ang DPRK na babalik sa lalong madaling panahon ang panig Timog Koreano sa komong palagay na narating sa mga pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa noong Abril at Setyembre ng nagdaang taon.

Nagpulong Huwebes ang National Security Office ng Timog Korea, at ayon sa pag-aanalisa sa pulong, ang inilunsad ng DPRK ay "bagong short range ballistic missile." Ipinahayag ng panig Timog Koreano na ang kilos ng DPRK ay hindi makakatulong sa pagpapahupa ng maigting na kalagayang militar ng Korean Peninsula.

Sinabi naman nang araw ring iyon ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na gumagawa ang iba't ibang panig ng paghahanda para sa talastasan. Nananalig aniya siyang malulutas ng Amerika at DPRK ang mga problema, sa pamamagitan ng diplomatikong talastasan, at inaasahang isasagawa ng kapuwa panig ang pagsasanggunian sa loob ng darating na ilang linggo.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>